HOME. | .WRITINGS. | .TRADITIONAL ARTS. | .DIGITAL ARTS. | .CRAFTS. | .OTHERS
Magulang
Akda ni Ezar Co (Maikling Tula/Short Poem)
[4-23-15]
Magulang kong mahal,
Kayo ay marangal.
Biyaya ng Maykapal,
Bilang aking parangal.
Ang pagmamahal ko sa inyo'y walang katumbas,
Kahit magkalayo tayo ng landas.
Sa akin, kayo ay mag-iiwan ng bakas.
Iisipin ko kayo kahit ang mundo'y magwakas.
Magulang ay nagbibigay ng gabay.
Pagsubok man, sila ang alalay.
Tagumpay ko ay aking inaalay
Kaya ako'y nagmamahal ng tunay.
Sa kanilang pinakitang kabutihan,
Mananatili ito sa aking isipan.
Sa bawat pagod na pinapasan,
Sila ang daan sa aking kinabukasan.
Salamat sa bigay ng Panginoon
Kung saan sa mundo kayo'y naaayon.
Ang tulang ito ay aking tugon
Sa mga payo na inyong binaon.